3 M's para masolve ang problema ninyo sa Pera.
- aris escartin
- Jul 22, 2015
- 3 min read
1. Magbago ng MINDSET - kahit gaano kalaki na kinikita mo ngayon pero gastos ka ng gastos, kain dito kain doon, lakwatsa dito lakwatswa doon, shop ka nang shop, walang matitira. Ang una nating baguhin kaibigan ay yung ating Money mindset, kapag di ka nagbago ng mindset mo di rin mababago ang buhay mo. Mahirap mabago ang mga bagay na nakasanayan na pero kapag unti -unting mo na itong binabago at willing kang magsakripisyo at nakahanda ka nang huwag balikan ang mga ito ay magiging habit na natin ito as in ito ay palagi mo ng gagawin at maiaapply mo sa iyong pamumuhay. Bakit ang mga intsik, paano ba sila pinalaki ng mga mga magulang nila? priority nila ang negosyo nila kesa pag-aaral ng anak nila eskwelahan. "Ikaw anak bantay ka muna tindahan bago ka mag-aral", sa ating pinoy mag-aral ka ng mabuti para pagakatapos mo makahanap ka ng magandang trabaho. Pero ang tanong sino ang mas may mayaman sa dalawang lahi? Isipin mo na ang pag-iipon o di paggastos ay di isang sakripisyo kundi ito ang susi sa pagasenso mo at sa mga pangarap mo.
2. Mag-isip ng LONG-TERM - ang kagandahan ng isang bagay ay di nasusukat sa panlabas na kaanyuan lamang: nakamamahaling gamit ka nga, i-pad, branded shoes/clothes, kotse, nagbabakasyon sa Boracay ay baon ka naman sa utang at di ka nakakatulog ng mahimbing sa gabi ay balewala din ito. Hindi bale ka nang magmukhang kawawa ngayon huwag lang mabuhay ng kawawa!. Matutong magtiis at maging disiplinado sa paggamit ng pera para dumating man ang bagyo natin sa buhay ay may madudukot tayo, hindi na bale di tayo nageenjoy now mageenjoy naman tayo later kasama ng mga mahal natin sa buhay.Think of long-term huwag ubos biyaya bukas nakatunganga so ang talagang solusyon ay walang iba na marerealize mo ikaw mismo ang sarili mo ang solusyon sa problema mo.
3. Mag-aral para MATUTO - There's so many ways to learn, isa na dito ay ang pagbabasa,so you better read, read, and read... "Formal education will make you a living; self-education will make you a fortune." -- Jim Rohn. Napakaraming books na makikita natin sa library at bookstores, mga libro na self-improvements, at nakapaswerte ng henerasyon ngayon kasi abot-kamay lang natin ang kaalaman at mga materials na kailangan natin using the internet, makikita rin natin ito sa mga blog or article sites and of course some it are free. Kung talagang gusto mo matuto ay naku igragrab mo na lang ang mga opportunities na ito sa paligid mo. Maari din tayo matuto sa pagkakamali ng ibang tao at matuto rin sariling pagkakamali natin. Mas magiging practical sa atin doon tayo tumingin sa mga mistakes ng ibang tao kasi makakasave ka ng mga di kailangang mga consenquences, malaking pera, at deppressions o stress kung maiiwasan mo na ang mga ito, kung yung kapitbahay mo nakulong dahil sa pagkakautang gagayahin mo pa ba ito? kung nakaikita mo mga ka opisina mo halos di na kumakain sa daming binabayarang utang at yung kaibigan mo namatayan ng anak dahil sa walang makuhanang pangbayad sa hospital tutularan mo pa ba sila? So siguro matuto ka na sa experiences nila at sa mga maling desisyon nila at huwag na iyong gayahin pa. Pwede ka rin umattend ng mga seminars depende sa Topic at speaker na gusto mo, may kamahalan yung iba dito pero huwag mong paghihinayangan ang oras at pera na iinvest mo dito kasi this very worthy at ito ay di mananakaw sayo ninuman. The things you will learn from seminar can increase your potentials, unlock your skills, awaken your attitude and improved your knowledge. Pero alam ninyo kahit gaano pa ang matutunan ninyo kung di naman ninyo ito iaapply mawawala din ito ng saysay, mahirap man o challenging ang pagkakaroon ng financial freedom ay huwag sana kayo mag quit o sumuko hindi man abot sa kakayahan at kaalaman natin pero andiyan ang Diyos na makakita sa atin at tutulong sa atin even it is impossible, walang imposible sa Diyos di ba? "Learning is the beginning of wealth. Learning is the beginning of spirituality. Searching and learning is where the miracle process all begins." -- Jim Rohn...and lastly very important din ang pagkakaroon ng MENTOR siya nag maggagabay sayo, magtuturo sayo, magsisilbing role model mo at inspirasyon mo. So I would advise find a very credible one.

Comments