top of page

Bilog Bilog

  • aris escartin
  • Jul 19, 2015
  • 3 min read

Pamilyar na ba kayo sa structure na ito o sa drawing na bilog bilog na karaniwan makikita natin sa isang seminar o business opportunity meeting?

Noong una ko nakita ito ang sabi nga speaker na may nakasabit na susi ng kanyang sasakyan sa kanyang sinturunan na maguumpisa lang kayo sa dalawang bilog at yung dalawang nakuha ninyong bilog ay tuturuan din nating kumuha ng 2 bilog at hanggang sa dumami na ang bilog bilog ay yayaman na kayo! wow Power grabe sabi ng mga nasa likurang mga tao. alam ninyo ba lumuwa ang mata ko at natuyuan ako ng laway ng makita ako ang kitaan! talagang nabaliw ako kasi sa dalawang bilog lang pwede ka ng yumaman!!! at kagandahan nito may mga bilog na under sa account ng mom ko na 2,000 mahigit, grabe kota na kami at di na kailangan pa kumuha pa ng maraming bilog bilog pa! sarado ang isip ko sa ganitong klaseng negosyo at ayaw ko ang ginagawa ng mother ko kasi napakalaki na ng pera nawawala na sa amin sa pag invest niya dito ay di biro as in million!...at natapat pa ang opportunity ay tungkol sa technology, browser, digital tv box,loading station, remittances at iyon ay mga hilig ko na at ginagawa na namin walang magbabago sa araw-araw na routine na namin.

Grabeh bigla ko naunawaan kung bakit nagiinvest ang mom ko sa ganito industry samantalang napilitan lang naman ako samahan siya siya kasi wala siyang makuhang driver na magdidrive sa kanya papuntang Ortigas, kesa naman tumambay ako sa parking lot eh, napilitan narin ako pumasok sa ofis at makinig sa speaker.

At doon na ako nag-umpisa mainvolve sa ganitong industry, nagumpisa na ako magsulat ng mga prospects mga KKK, kaibigan, kakilala, kapamilya, kaklase, kafacebook, ka church mate( pati Pastor namin) at Kung sinu-sino pa. Iniisa-isa ko silang iniinvite at nagpepresent na rin ako sa ibat-ibang lugar eskwelahan, churches, sa mga bahay ay grabeh ang hirap pala kinakapalan ko na mukha ko, andun na walang maniniwala sayo at ibat-ibang objections ang maririnig mo, wala ako pera, kakausapin ko muna asawa ko, pyramiding ba yan?, marami pa kaming gastos, balikan mo na lang ako pag may kita ka na, yung iba ay honest, di nila gusto at yung iba deadma ni walang reply sa text or msgs.

Ang next thing na gagawin mo pa ay pag follow-up sa mga prospect mo na di mo alam kung interesado talaga o ayaw lang nila ako mapahiya. Isa pa follow up din sa mga nag join na sayo, tatanungin mo kung ginagawa ba nila ang negosyo at tuturuan mo pa sila ng kanilang gagawin at magseset ka ng meeting pero puro busy, paano kaya kami dadami eh kokonti na nag lang kami tapos ayaw pa nila maginvite, ako na nga lang ang magpepresent sila na lang ang magpapakilala sa akin.

Training naman lumuluwas ako kahit ako lang mag-isa pumunta sa opisina, gastos sa gasolina(di ko kasi nakasanayan ng magcommute) meryenda pa para maimprove ko ang skills ko at mamotivate uli. Ang dami ko rin nababasang libro (lahat ng libro ni Chinkee Tan na napublish nabasa ko na lahat pati yung huli niya Happy Wife, Happy Life) (Twice na din ako umaattend sa seminar niya, pati si John Calub na meet ko na rin minsan). Mga e-books ni Bro. Bo Sachez at mga e-books mula sa mayayamang tao sa mundo at famous authors like Robert Kiyosaki, Brian Tracy, Jihm Ron. Mga Articles over sa internet at gang sa naging habit ko na until now, kapag gusto ko yung topic tutok akong basahin mga yun.

Ang naging result from my first Company na kinabaliwan ko wala, hindi naman pala at least we earn from about P150,000 plus. Then, ayun na di na namin mapigil maginvest sa ibang Company even sa monoline kita din naman after 3 months di na makapgout ng ayos yung kami at atleast kumita din naman kami ng P100K plus, Then dumating ang ginto andun natalo kami worth P100K plus bawi lang sa una. Para makabawi join pa rin kami sa exit local company located sa Laguna, grabe yung may ari dun personal naming kausap sila daw kukuha na ng tao sa amin, karma din aabutin niya, Sablay ulit at ng paulit pa, gang sa gusto ko ng mag quit at tumutok na lang sa traditonal business namin, Computer Shops/ PC Rental(50 units), Apartment(6 doors), and Sari-sari Store.

Lastly may dumating na namang opportunity na di ko talaga matanggihan at isa naman din yun sa passion ko kasi online, and i will be part of the Board since passion ko naman din ang humawak ng business. I'm proud to say MyDeals will change the nature of networking industry. from online system and management skills of all the Board of the Directors and their dedication we will achieve success and with our Lord guided us.

 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts

FOLLOW US HERE: 

  • Facebook Social Icon
  • shop_online.png
  • enough-pro-store.png
  • graphicfuelbags.png

VISIT ME HERE ON MY BLOG WEBSITE:

arisescartin.wix.com/aris
 

© 2015 by ARIS ESCARTIN. · All Rights Reserved

bottom of page